Friday, September 4, 2015

OPURTUNIDAD NG AKING BUHAY

Taong 2013,sa ikalawang taon ng aking pag aaral hindi ko inaasahang akoy magkakaroon ng opurtunidad na makapag OJT sa ibang bansa. Sa panghihikayat at pursigi para sa akin ng aking gurong si Ginang Cleofe Alma Bayot,minabuti kong subukan ang alok nyang ito na kahit mahirap at malaking sakripisyo para sa akin ito. Hindi nag tagal nang maisaayos ko ang lahat ng papel na aking kailangan ay sumabak ako sa ibat ibang interview sa ilang namumuno sa paaralang aking pinapasukan BATANGAS STATE UNIVERSITY na isa rin sa dapat kong maipasa para sa programang ito na alok sa akin ng eskwelahan at ng aking butihing guro. Sa tulong ng dasal at pagtitiwala ko sa panginoon at tiwalang ibinigay sa akin ng aking guro ay naipasa ko ang lahat ng interview na aking pinagdaanan. Hinintay ko ang huling interview na kung saan ito ang huli na manggagaling sa kompanya na aking papasukan sa ibang bansa ngunit hindi na ito dumating sapagkat makatapos ang aming oryentasyon patungkol sa pag alis ay direktang tinawagan ng kompanya si Ginoong Melo para sabihing akoy tanggap na bilang isang OJT sa kanilang kompanya. Kaya naman kaagad akong tinawagan ni Ginoong Melo para sabihin at pag ayusin ako ng mga papeles at agad niya akong pinagkompleto ng lahat na kailangan hanggang sa dumating ang bisa galing Malaysia at ang kontrata.

No comments:

Post a Comment