Saturday, September 5, 2015

MULING PAGBABALIK



 Ang aking pamilya ang dahilan kung bakit ko inaasam ang aking pagbabalik sa aking bansang sinilangan. Para sa akin sila ang mga taong walang makakapantay sa aking buhay,isa sa mga magandang nangyari sa aking buhay, sila ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito, sila ang nagpapasaya,nagbibigay ng lakas ng loob at suporta sa bawat pagsubok na aking kinakaharap sa buhay. Sila rin ang inspirasyon ko sa lahat ng bagay upang makmit ang tagumpay na aking inaasam.

PAGLISAN SA BANSANG MALAYSIA







Enero 11, 2014, sa ganap na alas 5:30 ng hapon ang paglipad ng eroplano patungong Pilipinas. Ito ang araw na aking hinintay. Ito rin ang araw na masasabi kong akoy nagtagumpay sa hinarap kong hamon ng aking buhay. Isa ito sa mga pinakamasayang araw ko sa buhay na hindi ko malilimutan.

C.L.P. KAPAMILYA,KAPUSO,AT KAPATID








 Sa loob ng isang taon na nakalipas lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng mga taong gumabay at tumulong sa aking pagiging trainee sa kompanyang Chuan Luck Piling Sdn. Bhd. Sa lahat ng aking mga natutunan tinatanaw ko itong malaking utang na loob para sa inyo na hindi ko malilimutan sa aking buhay. Ganun din sa aking pamilya na sumuporta sa akin para maharap ko ang ganitong pagsubok sa aking buhay at mga kaibigan na walang sawa sa pag papalakas ng loob para malampasan at mapagtagumpayan ko ang hamon na ito para sa akin. 


PAMPALIPAS ORAS







Alak para sa simpleng pagdadaos ng kasiyahan at takbuhan sa tuwing ang hirap hanapin ng nawawalang antok sa katawan dahil sa palaging pag iisip na malayo ka sa ating mga minamahal.

LIBANGANG LARO



Sa buhay hindi lang puro trabaho ang dapat pinagtutuunang pansin kundi pati ang pagkakaroon ng ehersisyo sa ating katawan ay kailangan. 

PAGKAING MALAYSIA






MALAY NASI GORENG TELUR








CHINESE VEGITARIAN FOOD







T-BOWL RESTAURANT FOOD








MALAY SPAGHETTI







NASI AYAM DENGAN SAYOR








CHINESE DAPAO









KABUTE GORENG












MALAY NASI LEMAK









CHINESE NASI AYAM
CHINESE FOOD @ MINGCOURT HOTEL

Masasarap na pagkaing aking natikman sa bansang Malaysia. Bagamat iba sa aking mga nakasanayan na pagkain mayroon pa din itong pagkakahalintulad. May kakaiba man itong lasa ngunit masarap pa rin na hindi ko malilimutan sa aking buhay.

Friday, September 4, 2015

LUGAR NA AKING MGA NAPUNTAHAN


 GUNUNG PULAI
isa sa mga pinakamatataas na bundok sa Johor Bahru , Malaysia










STULANG RIVER SIDE
isang baybayin na may malinis na kapaligiran at maaliwalas na tanawin malapit sa kalapit bansang Singapore.





JOHOR BAHRU CITY SQUARE
isang malaking mall na kung saan ito ang dinarayo ng mga turistang galing Singapore dahil sa mura ang bilihing damit dito.
  





RESORT WORLD @  GENTING HIGHLAND KUALA LUMPUR MALAYSIA
isang popular na lugar sa mataas na bahagi ng Kuala Lumpur, Malaysia.

     




Isang tulay na may tubig na nangungulay berde na kung minsan ay asul na aking dinadaanan sa tuwing akoy magtutungo sa Kipmart. 







J.P.O / JOHOR PREMIUM OUTLETS @ JOHOR
isang bilihan ng mga kilalang produkto ng mga ibat ibang klaseng kasuotang pantao.







                                                                                                                                                                                         
                 








TWIN TOWER @ KUALA LUMPUR, MALAYSIA   
isa sa mga ipinagmamalaking tourist spot nang Malaysia.











Isa ito sa mga naging gawad ko sa aking sarili nung akoy nag tatrabaho bilang isang trainee sa bansang Malaysia. Mahirap man ang buhay kelangan pa din nating magkaroon ng oras para sumaya at makamit ang ating minimithi sa buhay. Kung baga andyan na yung pagkakataon na minsan lang dumating sa ating buhay kaya't ating sulitin ng tama na naaayon sa ating buhay dahil hindi habang buhay ay may mga pagkakataong dadating para sa atin.        

ROMANONG KATOLIKO








 Ang pagiging makadiyos ay hindi lang sa sariling atin ipinakikita. Kahit saan ka man naroon ay andyan ang diyos para gumabay at patnubayan tayo sa araw araw. Mapaibang lengwahe man ito basta isinasapuso mo siya ay hindi ka niya pababayaan. 

MABUTING KAIBIGAN








Bilang isang may dugong pinoy hindi ko inaalis ang pagiging isang may mabuting puso sa sa kapwa. Ang pagiging pantay na pagtingin sa kahit na sinumang tao na nakakaharap ko sa trabaho. 

BATCHING PLANT OPERATOR







Isang komplikadong makina na una kong natutunang iopera sa aking pagdating sa kompanya. Ito ang buhay ng kompanya na kapag walang operator nito ay walang magiging prodaksyon. Kaya naman isa ako sa mga humahalili bilang operator nito kapag liban ang aming operator at holiday sa bansa. 

SURVEYOR

 

Isa rin ako sa naging surveyor nang kompanya. Naging parte ako ng isang proyekto dito na ako ang nag survey at nagsukat nang pagtatayuan.



SIGURADONG PRODUKTO


Bilang parte ng pagiging Q.A. isa sa naranasan ko ang tiyaking tama ang lahat ng ilalabas na produkto ng kompanya.

BILANG ISANG TESTING TEKNISYAN


Naging isa akong taga suri ng mga sampol na kwadradong semento na siyang magpapakita kung papasa ang aming produkto na ginagawa sa araw araw. Isa ito sa araw araw kong gawain sa aking trabaho.

CHUAN LUCK PILING YARD

Dito sa field na ito ako madaming natutunan na mga bagay na linya nang aking kurso. Mainit,magabok,maputik,at nakakapagod ngunit baliwala ang lahat dahil sa aking mga natututunan na maari kong magamit sa aking magiging mga trabaho padating ng panahon.

TRABAHONG OPISINA

























Q.A / Q.C. dito ako napalagay sa trabahong ito nang akoy makarating ng Malaysia. Isa sa mga naging responsibilidad ko dito ang gumawa ng mga paper works tulad ng pagchecheck ng mga delivery order at mga materyales na ibinababa sa kompanya,pag uupdate ng mga kinakailangang iupdate tulad ng mga resulta ng mga pagsusuri ng mga pile at cube at tulad dn ng mga pagsusuri sa bakal,bato,buhangin,at samento. Masasabi kong isa ito sa mga komplikadong bagay na hinarap ko sa aking karanasang ito.

ARAW NANG AKING PAG LISAN


Enero 15, 2013, isa sa mga araw na masasabi kong hindi ko makakalimutan. Araw na hindi ko malaman ang aking nararamdaman at araw nang pagsisimula ng pagbilang ng labindalawang buwan.

OPURTUNIDAD NG AKING BUHAY

Taong 2013,sa ikalawang taon ng aking pag aaral hindi ko inaasahang akoy magkakaroon ng opurtunidad na makapag OJT sa ibang bansa. Sa panghihikayat at pursigi para sa akin ng aking gurong si Ginang Cleofe Alma Bayot,minabuti kong subukan ang alok nyang ito na kahit mahirap at malaking sakripisyo para sa akin ito. Hindi nag tagal nang maisaayos ko ang lahat ng papel na aking kailangan ay sumabak ako sa ibat ibang interview sa ilang namumuno sa paaralang aking pinapasukan BATANGAS STATE UNIVERSITY na isa rin sa dapat kong maipasa para sa programang ito na alok sa akin ng eskwelahan at ng aking butihing guro. Sa tulong ng dasal at pagtitiwala ko sa panginoon at tiwalang ibinigay sa akin ng aking guro ay naipasa ko ang lahat ng interview na aking pinagdaanan. Hinintay ko ang huling interview na kung saan ito ang huli na manggagaling sa kompanya na aking papasukan sa ibang bansa ngunit hindi na ito dumating sapagkat makatapos ang aming oryentasyon patungkol sa pag alis ay direktang tinawagan ng kompanya si Ginoong Melo para sabihing akoy tanggap na bilang isang OJT sa kanilang kompanya. Kaya naman kaagad akong tinawagan ni Ginoong Melo para sabihin at pag ayusin ako ng mga papeles at agad niya akong pinagkompleto ng lahat na kailangan hanggang sa dumating ang bisa galing Malaysia at ang kontrata.